DALAWA pang contractor ang sinampahan ng kasong Tax Evasion ng Bureau of Internal Revenue.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza, kinasuhan si Sally Nicolas Santos – proprietor ng SYMS Construction and Trading ng paglabag sa National Internal Revenue Code.
Ang reklamo laban kay Santos ay may kaugnayan sa Ghost Flood Control Project ng SYMS sa sa Baliuag, Bulacan na nagkakahalaga ng mahigit 57 million pesos.
Parehong reklamo din ang isinampa ng BIR laban sa presidente ng IM Corporation na si Roberto Imperio at treasurer ng kumpanya na si Marie Jane Imperio dahil sa kanilang Ghost Project sa Hagonoy, Bulacan na mahigit 108 million pesos naman ang halaga.
Ayon sa BIR, aabot sa 13.8 million pesos ang Total Tax Liabilities ng dalawang kumpanya.




