SIMULA sa December 1 huhulihin na ng Land Transportation Office ang mga Electronic Bikes at E-Trikes na bumabaybay sa Major Roads.
Ito ang ipinangako ni LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao sa Budget Deliberation sa senado para sa panukalang budget ng Department of Transportation.
ALSO READ:
Zaldy Co, nagpadala umano ng “feelers” sa mga pari, ayon sa DILG chief
Dating Sen. Bong Revilla, bigong makapagpasok ng mga damit at gadgets sa Quezon City Jail, ayon sa BJMP
Impeachment complaint laban kay PBBM, nai-transmit na sa Office of the Speaker
VP Sara, kinasuhan ng plunder, malversation, at graft bunsod ng umano’y maling paggamit ng confidential at public funds
Si Senator JV Ejercito na siyang sponsor ng DOTr budget ang nag-anunsyo nito sa senado.
Hiniling naman ni Senator Raffy Tulfo sa LTO na magsagawa din muna ng Information Drive bago ipatupad ang panghuhuli.
Magsasagawa din ng Public Consultation ang LTO at ang DOTr hinggil sa posibleng Registration at Licensing Rules ng E-Bikes at E-Trikes.
