MAGKASUNOD na ibinasura ng House Justice Committee ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Unang idineklara ng komite na “insufficient in substance” ang reklamong inihain ni Atty. Andre de Jesus at inindorso ni Pusong Pinoy Partylist Rep. Jernie Jett Nisay.
Apatnapu’t dalawang mambabatas na miyembro ng panel ang bumoto sa pagbasura ng reklamo na anila ay ibinase lang kasi sa spekulasyon.
Isang miyembro lamang ng panel ang nagsabing “sufficient in substance” ang impeachment complaint at tatlong Makabayan bloc members ang nag-abstain.
Kasunod nito ay ibinasura din ng Committee on Justice ang ikalawang impeachment complaint laban sa pangulo na inihain naman ng Makabayan bloc.
Tatlumpu’t siyam na miyembro naman ng komite ang bumoto para ideklarang “insufficient in substance” din ang reklamo at pito ang bumoto para isulong ang reklamo.




