INARESTO ng Bureau of Immigration sa magkahiwalay na operasyon ang dalawang Chinese nationals na nagpapanggap na Pinoy.
Sa ikinasang operasyon sa Legazpi City, nadakip ang Chinese na si Jucan Hong na nagpanggap na Pinoy para makakuha ng government-issued ID, kabilang ang driver’s license.
Sa hiwalay namang operasyon sa Tagum City sa Davao del Norte, naaresto rin ang Chinese national na si Qingzhuang Ke na gumagamit ng Filipino name na “Jimmy Reyes”.
Natuklasan ng BI na nagawa ni Ke na makapagparehistro ng late para makakuha ng birth certificate gamit ang kaniyang Filipino name.
Ginamit niya ang dokumento para makakuha ng mga Philippine IDs, makapagbukas ng mga bank account, makapagparehistro ng sasakyan at makapag-operate ng negosyo.
Ang dalawang dayuhan ay mahaharap sa deportation cases dahil sa misrepresentation at paglabag sa immigration laws.




