DALAWANG barko ng People’s Liberation Army Navy (PLA) ng China ang na-monitor ng Philippine Coast Guard (PCG) sa katubigan ng Occidental Mindoro.
Ayon sa PCG, na-obserbahan ang Chinese Warships, 69.31 nautical miles mula sa Cabra Island.
Niradyuhan naman ng BRP Teresa Magbanua ng PCG ang PLA Navy Warship 793, subalit walang tugon mula sa naturang barko.
Sa halip, ang escort nitong China Coast Guard 4203, ang sumagot at iginiit ang soberanya ng China sa West Philippine Sea.
Binigyang diin din ng PCG na ang dalawang Chinese Vessels ay sinamahan din ng PLA Navy Warship 164.