INANUNSYO ng Maharlika Investment Corporation (MIC) ang appointment ng dalawang banking and finance veterans sa kanilang board of directors.
Ayon sa state-owned firm na nangangasiwa sa Sovereign Wealth Fund, itinalaga sina Rolando Peñaflor bilang regular director at Enrico Cruz bilang independent director.
ALSO READ:
Mahigit 7 billion pesos na export revenue, inaasahan ng PEZA mula sa gumagawa ng manufactured houses sa Singapore
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Si Peñaflor ay 38 years na nagsilbi sa Bank of the Philippine Islands habang si Cruz ay may apat na dekadang karanasan sa finance, retail, real estate, at health sectors.
Sinabi ni Maharlika President and Chief Executive Officer Rafael Consing Jr. na makatutulong ang lalim ng experience at malawak na pananaw ng dalawang opisyal upang maging disiplinado, transparent, at globally credible ang Sovereign Wealth Fund.
