25 January 2025
Calbayog City
National

2.6M kilos ng basura nakulekta sa pagsisimula ng KALINISAN Program ng Pamahalaan

UMABOT sa 2.6 Milyong Kilo ng basura ang nakolekta matapos ilunsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) Program.

Base sa isinumiteng ulat ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa Presidential Communications Office, sinabi nito na nasa 9,000 na Barangays, 580,000 na indibidwal at 109,939 na Barangay Officials ang nakiisa sa Clean Up Drive.

Ayon kay Abalos, bibigyan ng pagkilala kada quarter ng DILG ang mga Local Government Units na epektibong makapagpapatupad ng KALINISAN Program.

Sabi ni Abalos, mahalaga kasi na buhayin ang volunteerism spirit sa mga komunidad.

Inilunsad ng DILG ang KALINISAN Program noong sabado sa Baseco Compound sa Maynila.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *