MALAKIHANG taas presyo sa gasolina ang inaasahan bukas.
Sa pagtaya, madaragdagan ng piso at limampung sentimos (P1.50) hanggang piso at pitumpung sentimos (P1.70) ang kada litro ng gasolina.
ALSO READ:
Samantala, tataas din ang presyo ng diesel ng limampu (P0.50) hanggang pitumpung sentimos (P0.70) kada litro.
Gayundin ang kerosene o gaas na madaragdagan ng animnapu (P0.60) hanggang walumpung sentimos (P0.80) kada litro.
Ito na ang ika-apat na sunod na linggong price increase sa petroleum products.




