DUMALO si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa Dream Night 2024, ang 1st Tagsagubay Lifesaver Awards Night kung saan nagsilbing host ang Calbayog City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO).
Isinagawa ang event upang ipagdiwang ang dedikasyon at katapangan ng mga indibidwal at organisasyon na nagkaroon ng mahalagang papel upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga komunidad sa Calbayog.
16 na pulis, inalis sa pwesto bunsod ng umano’y pag-iinuman sa loob ng istasyon sa Eastern Samar
DPWH, pinayagan ang pagtawid ng 30-ton trucks sa San Juanico Bridge tuwing gabi
Pre-Christmas Trade Fair sa Leyte, kumita ng 6.2 million pesos
Mahigit 600 senior citizens, nakinabang sa Oquendo Social Pension Payout
Pinangunahan ni Mayor Mon ang seremonya sa pamamagitan ng personal na pag-abot ng certificates of appreciation sa outstanding stakeholders ng CDRRMO.
Inihayag ng alkalde ang kanyang pasasalamat sa mga stakeholder sa kanilang hindi matatawarang commitment sa disaster preparedness, response, at recovery efforts.
Kinilala rin ni Mayor Mon ang kanilang walang kapagurang pag-protekta sa mga buhay at ari-arian, maging ang dedikasyon para sa pagkakaroon ng mas matatag at ligtas na Calbayog City.
