BUMALIK sa mahigit 2-billion dollar deficit ang Balance of Payment (BOP) position ng Pilipinas noong Pebrero.
Batay sa datos mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), naitala sa 2.277 billion dollars ang deficit noong ikalawang buwan ng taon.
ALSO READ:
Kabaliktaran ito ng 3.086 billion dollars na surplus na nai-record noong February 2025.
Lumobo naman ang BOP position mula sa 393-million dollar gap na naitala noong Enero.
Ang ibig sabihin ng deficit ay mas maraming ginastos ang bansa kaysa sa natanggap, habang ang surplus ay nangangahulugan na mas maraming pondo ang pumasok sa bansa.




