BUMABA ng 8.5% ang inaprubahang Building Permits noong Hulyo kumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Bunsod ito ng pagbagsak ng Residential Construction Projects.
ALSO READ:
Sa preliminary data mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), 15,395 ang naitalang building projects na saklaw ng permits noong ika-pitong buwan kumpara sa 16,821 noong July 2024.
Kabaliktaran mula sa 12.3% na paglago noong Hulyo ng nakaraang taon at sa Revised 14.9% expansion noong Hunyo.
Ang Building Projects na tumanggap ng approval noong Hulyo ay nagkakahalaga ng 44.54 billion pesos, 7.5% na mas mababa kumpara sa 48.16 billion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.