Kalunos-lunos ang sinapit ng isang miyembro ng PNP matapos itong madisgrasya sa Purok 9 Brgy. Trinidad, Calbayog City, Samar kanina Jan. 30, 2023 ng 6:30 ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Mark Anaviso y Fortes, 30 taong gulang, PNP member na nakatalaga sa Calbayog Civil Aviation of the Philippines at residente ng Purok 2 Brgy. Buena Vista, Rosario, Northern Samar.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na habang ang isang maintenance worker ang nagsasagawa ng kanyang tungkulin si bilang maintenance ng runway ng nasabing paliparan ay nadiskubre niya ang biktima na nakahandusay sa lupa na sugatan katabi ng kanyang minamanehong motorsiklo
Samantala, prinoseso naman ng SOCO personnel ang pinangyarihan at patuloy ang imbistigasyon sa pagkalap ng CCTV sa lugar.