INANUNSYO ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ligtas nang kainin ang mga isda at shellfish na mahuhuli sa Cavite, matapos ang mga pagsusuri, kasunod ng oil spill sa Bataan.
Sinabi ni BFAR Assistant Director Angel Encarnacion na patuloy nilang binabantayan ang sitwasyon sa lahat ng mga apektadong probinsya.
ALSO READ:
Bilang ng mga nasawi sa gumuhong landfill sa Cebu, lumobo na sa 25
Day of Mourning, idineklara ng Cebu City para sa mga biktima ng pagguho sa Binaliw landfill; death toll, umakyat na sa 20
DSWD, patuloy ang repacking ng food packs para sa mga pamilyang apektado ng Mt. Mayon
8 taong gulang bata, pinatay sa saksak sa San Pablo City sa Laguna
Batay sa pinakahuling sensory evaluation, ligtas nang kainin ang mga lamang dagat mula sa lahat ng rehiyon, kabilang ang Region 3, 4a, at National Capital Region.
Una nang humirit ang Cavite provincial government ng sampung milyong pisong kompensasyon mula sa mga may-ari ng MTKR Terranova, ang una sa tatlong barko na nagdulot ng oil spill, na nakaapekto sa kabuhayan ng mga residente sa lalawigan.
