15 February 2025
Calbayog City
Overseas

1 patay, 6 nawawala, kabilang ang British tech tycoon sa paglubog ng luxury yacht sa Sicily 

ISA ang patay habang nagpapatuloy sa paghahanap ang rescuers sa anim katao, kabilang ang British tech tycoon na si Mike Lynch, na nawawala matapos tamaan ng tornado at lumubog ang sinasakyang luxury yacht sa Sicily.

Ayon sa Italian Coast Guard, lulan ng yate ang dalawampu’t dalawa katao nang tamaan ng tornado habang naka-angkora, kalahating milya ang layo mula sa Porticello sa Mediterranean Island.

Ang mga nawawala ay kinabibilangan ng apat na briton at dalawang amerikano.

Isa na rito si Lynch, ang founder ng software giant na Autonomy.

Labinlima naman ang nailigtas, kabilang ang asawa ni Lynch na si Angela Bacares, isang bata na in-airlift patungong Children’s Hospital sa Palermo, at walong iba pa na isinugod sa ospital.

Isang katawan naman ang narekober sa hull ng yate, ayon sa Coast Guard.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.