15 March 2025
Calbayog City
Overseas

Mahigit 20, sugatan sa gas leak explosion sa isang hotel sa Texas

DALAWAMPU’T isa ang sugatan sa umano’y gas leak explosion sa Sandman Hotel sa Downtown ng Fort Worth, Texas.

Wala namang nasawi sa pagsabog na iniimbestigahan pa rin ang pinagmulan.

Ayon sa Fort Worth Fire Department, ilang katao ang na-trap sa basement ng naturang hotel.

Sa dalawampu’t isang nasugatan, isa ang nasa kritikal na kalagayan habang apat na iba pa ang seryoso ang kondisyon subalit hindi naman life-threatening ang tinamong injuries.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *