HINDI nagbago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Sa inihaing impeachment complaints sa kamara laban kay Vice President Sara Duterte, sa kabila ng idinaos na Nationwide Rally for Peace ng Iglesia Ni Cristo.
Una nang nanawagan si Marcos na huwag na lamang ituloy ang impeachment kay V-P Sara, dahil mas makabubuti aniya na tutukan na lamang ang ibang bagay na mas mahalaga sa buhay ng mga Pilipino.
ALSO READ:
Mga senador, muling in-adjust ang schedule para sa ratipikasyon ng enrolled copy ng 2026 Budget
Sarah Discaya at mga co-accused, humihirit na makabalik sa kustodiya ng NBI
Ombudsman, ipinasusurender sa DPWH ang computers at devices na inisyu kay yumaong Undersecretary Cathy Cabral
PNP at Bulacan Government, ininspeksyon ang tindahan ng mga paputok sa Bocaue
Sinabi naman ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ganito pa rin ang tindig ng Pangulo.
Isinulong ng INC sa prayer rally ang pagkakaisa at ang pagtutol sa impeachment complaints laban kay V-P Sara, alinsunod na rin sa pahayag ng Pangulo.
