15 March 2025
Calbayog City
Sports

Eldrew Yulo Namayagpag sa Batang Pinoy 7 gintong medalya nasungkit

PATULOY sa paggawa ng kanyang sariling pangalan si Karl Eldrew Yulo sa National Gymnastics.

Ipinamalas ng nakababatang kapatid ng olympian na si Carlos Yulo ang husay nito sa Batang Pinoy, kung saan pinakyaw niya ang pitong gintong medalya sa individual events sa Men’s Artistic Gymnastics.

Sa kanyang paglalaro para sa lungsod ng Maynila, namayagpag ang nakababatang Yulo sa Boy’s Fig Juniors 14-17 Category at nanguna sa lahat ng individual events, gaya ng Vault, Still Rings, Floor Exercise, High Bar, Parallel Bar, Pommel Horse, at Individual All-Around, sa Gap Gym sa Intramuros, Manila.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *