ILANG major businesses mula sa semiconductor, electronics, at electric vehicle industry ang planong mag-expand sa Pilipinas.
Ayon kay Finance Secretary Frederick Go, nakikipag-usap ang pamahalaan sa foreign businesses upang palawakin ang kanilang presensya sa bansa, para sa assembly, testing, and packaging ng semiconductors, bilang kanilang “bread and butter.”
Sa ASEAN Editors and Economic Opinion Leaders Forum, sinabi ni Go na patuloy sila sa pagtanggap ng international semiconductor firms at electronic firms na nais mag-expand o pumasok sa Pilipinas para mag-negosyo sa unang pagkakataon.
Partikular na tinukoy ng finance chief ang investment ng global tech leader na Samsung sa bansa, kasama ang investments mula sa creative industry.




