7 July 2025
Calbayog City
National

COMELEC, walang budget para sa manual recount ng mga boto

KAILANGANG maamyendahan ang Automated Election Law o magpasa ng bagong batas para mabigyang daan ang panawagan na manual recount ng mga boto sa Halalan 2025, at maglaan ng budget para rito.

Ipinaliwanag ni COMELEC Chairman George Garcia na ang layunin ng Republic Act No. 9369 o Automated Election Law ay magkaroon ng “full” automated polls, at hindi kasama ang mano-manong bilangan.

Gayunman, nakasaad sa ilalim ng batas ang pagsasagawa ng random manual audit para masuri ang mga balota na mula sa mga piling clustered precincts. Una nang inihayag ng poll body na ang election protest ang tanging paraan para magkaroon ng manual recount ng mga boto, kasunod ng panawagan ni Detained Senatorial Candidate at Religious Leader Apollo Quiboloy.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.