Labing anim na volcanic earthquakes, kabilang ang anim na volcanic tremors na tumagal ng 49 hanggang 84 minutes, ang naitala sa Kanlaon Volcano.
Sa latest bulletin ng Phivolcs, na-obserbahan din sa bulkan sa Negros Island, ang dalawang ash emission events na tumagal ng 43 hanggang 49 minutes.
Naglabas din ito ng 3,984 tonnes ng sulfur dioxide noong Sabado, at nagbuga ng makapal na 1,200 meters na taas ng plume.
Sa kasalukuyan ay nasa alert level 3 ang bulkang Kanlaon, senyales ng magmatic unrest kasunod na malakas na pagsabog nito noong Dec. 9.