LABINLIMANG Munisipalidad sa Eastern Visayas ang walang sariling Fire Stations, kaya naman nalalagay sa panganib ang mga buhay at ari-arian ng mga residente.
Sinabi ni Senior Supt. Randy Mendaros, Assistant Regional Director ng BFP, na labindalawa mula sa mga naturang lugar ay island municipalities.
Kinabibilangan ito ng Maripipi sa Biliran Province; Almagro, Daram, Sto. Niño, Tagapul-an, Talalora, at Zumarraga sa Samar; at Biri, Lapinig, Rosario, San Vicente, at Victoria sa Northern Samar.
Ang iba pang mga bayan na walang istasyon ng bumbero at fire equipments ay Llorente, General MacArthur, at Mercedes sa Eastern Samar.
Ang Eastern Visayas ay mayroong isandaan tatlumpu’t anim na munisipalidad at pitong lungsod sa mga Lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, Biliran, Northern Samar, Samar, at Eastern Samar.