6 August 2025
Calbayog City
Local

15 kandidata ng Mutya han Samar, nakaranas ng pananakit ng tiyan

NAKARANAS ang labinlimang kandidata ng Mutya han Samar 2025 ng pananakit ng tiyan.

Sa official statement ng Tandaya Festival Executive Committee, agad nagsagawa ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga kandidata.

Binigyan ng Medical Assistance ang mga Mutya na ngayon ay mga nagpapalakas na.

Bunsod nito, lahat ng Scheduled Activities, kahapon ay kinansela at binigyan ang mga kandidata ng sapat na panahon para magpahinga at makarekober.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).