LABING apat ang sugatan makaraang mahulog ang isang pampasaherong jeep sa Antipolo City, sa Rizal.
Ayon sa mga otoridad, pumalya ang preno nang jeep kaya bumangga sa creek barrier sa gilid ng kalsada sa Circumferential Road, sa Barangay San Isidro, at nagdire-diretso sa pagbulusok.
Sa halip kasi na makabangga ng ibang motorista at pedestrians ay pinili ng tsuper na ibangga ang jeep sa creek barrier.
Ang driver na nagtamo ng bali sa balikat ay mahaharap sa kaukulang kaso matapos ang insidente.