BINIGYAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng go signal ang labing apat na bagong Transport Network Companies (TNCs) para mag-operate sa bansa, bukod sa limang kumpanya na nag-renew.
Sinabi ni LTFRB Chairman, Atty. Teofilo Guadiz III, nagbigay ang ahensya ng akreditasyon sa karagdagang TNCs at nag-release ng bagong Transport Network Vehicle Service (TNVs) upang matugunan ang lumalawak na demand sa ride-hailing market.
Halaga ng piso muling bumagsak sa bagong record-low
Total External Trade in Goods ng Pilipinas, tumaas ng mahigit 10%
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
Sa advisory na ni-release, kahapon, inihayag ni Guadiz na ang kanilang hakbang ay alinsunod sa kanilang mandato na tiyaking patuloy na makikinabang ang riding public mula sa advancements sa transportation services.
Tiniyak ng LTFRB Chief na mahigpit silang makikipag-ugnayan sa lahat ng accredited TNCs upang ma-monitor ang pagtalima ng mga ito sa regulasyon at magarantiyahan ang magandang serbisyo sa riding public.
