MAHIGIT 133 milyong kilo ng basura ang nakulekta ng Department of the Interior and Local Government sa ipinatupad nitong “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan” o Kalinisan Program sa buong bansa mula nang ilunsad ito noong January 2024.
Sa ilalim ng programa, inatasan ang lahat ng Local Governments at komunidad na regular na magsagawa ng paglilinis sa kani-kanilang nasasakupan at kapaligiran.
Maliban sa layong matugunan ang Solid Waste Management sinusuportahan din ng programa ang mga hakbang sa Flood Prevention sa pamamagitan ng paglilinis sa Waterways, Drainage Systems, at pag-alis sa mga basura na maaaring bumara sa mga daluyan ng tubig.
Bahagi ng programa ang “Barangay at Kalinisan Day” kung saan tuwing araw ng Sabado ay nagsasagawa ng paglilinis sa lahat ng barangay sa bansa.
Ayon sa DILG ang Kalinisan Program ay hindi lamang isang uri ng Clean-up Drive dahil hakbang ito para maibsan ang epekto ng kalamidad at maprotektahan ang kalusugan ng publiko.