HINDI bababa sa labintatlo ang patay habang halos isandaan ang nasugatan sa nadiskaril na tren sa Southeastern Oaxaca Region sa Mexico.
Ayon sa Mexican Navy, lulan ng tren na bumabagtas sa pagitan ng Gulf Mexico at Pacific Ocean, ang dalawandaan apatnapu’t isang pasahero at siyam na crew members.
ALSO READ:
Kabuuang siyamnapu’t walo ang nasugatan, kabilang ang tatlumpu’t anim na nilalapatan ng lunas sa ospital.
Inihayag ng mga opisyal na nadiskaril ang tren malapit sa bayan ng Nizanda.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng aksidente.




