8 July 2024
Calbayog City
Overseas

13 katao patay sa salpukan ng 2 tren sa India

PATAY ang labintatlo katao habang halos limampu ang sugatan makaraang magsalpukan ang dalawang tren sa Southeast India.

Batay sa report ng mga otoridad, nangyari ang insidente sa pagitan ng Bayan ng Alamanda at Kantakapalle sa Andrah Pradesh State matapos madiskaril ang isang tren.

Kinumpirma rin ni Indian Prime Minister Narendra Modi ang balita kung saan agad itong nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

Ang India ang isa sa may pinakamalaking rail networks at nakapag-ulat ng maraming insidente sa nakalipas na mga taon, kabilang ang banggaan ng tatlong tren na kumitil sa tatlundaang katao sa Odisha State noong Hunyo.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *