INANUNSYO ni Gilas Pilipinas Head Coach Tim Cone ang 12-man line up na sasabak sa Opening Window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers na gaganapin ngayong Linggo.
Mula sa naunang inanunsyo na 18-Man Pool, kabilang sa mga hindi nakasama sa squad ang huling idinagdag na sina Juan Gomez De Liaño, Jamie Malonzo, Troy Rosario, naturalized player Ange Kouame, at injured players na sina Kai Sotto at Calvin Oftana.
Ang 12-man lineup ay kinabibilangan nina RJ Abarrientos, Japeth Aguilar, Justin Brownlee, AJ Edu, June Mar Fajardo, Quentin Millora-Brown, Chris Newsome, Cjay Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Carl Tamayo, at Scottie Thompson. Malalaro ang Gilas ng Home-And-Away Games laban sa Guam sa First Window, kung saan ang first game ay sa Nov. 28 sa Guam na susundan ng second game sa Dec. 1 sa Blue Eagle Gym ng Ateneo sa Quezon City.




