13 July 2025
Calbayog City
National

11,254 na dayuhan na sangkot sa operasyon ng POGO, ipatatapon palabas ng bansa

dayuhan na sangkot sa pogo

Mahigit labingisang libong dayuhan na sangkot sa operasyon ng POGO ang nakatakdang ipatapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI).

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, sa 33,863 POGO employees na nasa ilalim ng PAGCOR, 24,779 ang nag-downgrade ng kanilang visa.

Bago matapos ang taong 2024, umabot na sa 22,609 ang nakaalis na ng bansa.

Ang nalalabi na bigo pang ipa-downgrade ang kanilang visa at bigong makaalis ng bansa ay mahaharap lahat sa deportation.

Ang mga kumpanya ng POGO ay pinaalalahanan din na obligado silang isuko ang mga dayuhan nilang empleyado na nananatili pa sa bansa.

Sinabi ni Viado na lahat ng dayuhan na lumalabag sa umiiral na POGO ban sa bansa ay mahaharap sa pag-aresto at deportation.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.