12 October 2025
Calbayog City
National

106 TRABAHO Partylist, suportado ang pinababang interest calamity loan

Ipinahayag ng 106 TRABAHO Partylist nitong Miyerkules ang kanilang buong suporta sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na pababain ang interest rate sa calamity loans ng Social Security System (SSS).

Alinsunod sa utos ng Pangulo, babawasan ng SSS ang interest rates sa mga calamity loan upang agad na matulungan ang mga manggagawang nahihirapan sa patuloy na pagtaas ng gastusin.

Ayon sa 106 TRABAHO, ang pagpababa ng mga interest sa calamity loan ay isang mahalagang hakbang upang mapagaan ang pasaning pinansyal ng mga manggagawang Pilipino, lalo na ang mga kasalukuyang naapektuhan ng mga pagputok at pag-alburoto ng mga bulking Bulusan at Kanlaon.

Tinawag ni 106 TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell-David L. Espiritu ang naturang polisiya bilang isang “people-centered reform”, na tugma sa adbokasiya ng partido para sa makabuluhan, inklusibo, at pangmatagalang trabaho at seguridad sa lipunan para sa lahat.

@trabahopartylist Malipayong Adlaw sa Pamuo! 106 TRABAHO Partylist ang magtrabaho aron mapanindot ang inyong trabaho. #106TRABAHOPartyList #TRABAHOPartyList #PanaloTayoPagMayTRABAHO #Halalan2025 #HappyLaborDay #LaborDay #VotersEducation ♬ original sound – TRABAHO Party-List

“Direktang tinutugunan ng inisyatibang ito ang isa sa mga pangunahing suliranin ng ating mga manggagawa: ang mabigat na bayarin sa mga utang,” pahayag ng tagapagsalita ng 106 TRABAHO Partylist.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).