Nais matutukan at masolusyonan ng 106 TRABAHO Partylist ang talamak na panloloko sa mga Pilipino.
Kumpirmado sa Omnichannel Fraud Report ng TransUnion na pumapangalawa ang Pilipinas sa may pinakamataas na kaso ng digital fraud sa buong mundo para sa taong 2024.
Agad na nagmungkahi ang 106 TRABAHO Partylist sa mga ahensiya ng gobyerno, institusyong pinansyal, at mga kumpanya sa teknolohiya na magpatupad ng mainstream digital literacy programs gaya ng araw-araw na text blast, free TV commercials, at community-based seminars.
Hindi umano sapat ang minsanang pabatid na kadalasang natatabunan sa email inbox ng mga tao.
“Nakakapanlumo na mawawala lang sa ilang pindot ang ipon ng ating mga manggagawa mula sa araw-araw nilang kayod at sakripisyo,” giit 106 TRABAHO Partylist spokesperson Atty. Mitchell Espiritu.
@melaicfrancisco Final KUNG AMOY SCAM, 'WAG PATULAN! 🙅🏻♀️ Mga ka-TRABAHO, maging masusi sa pagkilatis ng TRABAHO. Kung amoy mabaho— scam 'yan! 🚫 No no no tayo diyan! Kaya naman, kaisa ako ng 106 TRABAHO Party-List sa pagbibigay ng gabay sa publiko laban sa scam jobs para wala ng maloloko ang mga manloloko. #106TRABAHOPartyList #TRABAHOPartyList #PanaloTayoPagMayTRABAHO #TRABAHOParaSaLahat @TRABAHO Party-List ♬ original sound – Melai
“Yung mga ibang biktima, pinagod at pinagtrabaho na sila sa mga online task, niloko pa sila na kailangan nila magdeposit ng libu-libong halaga para makawithdraw sila ng mas malaking halaga,” dagdag pa ng abogado.
Nanawagan rin ng 106 TRABAHO Partylist na maghain ng mga resolusyon upang imbestigahan ang epekto ng digital fraud sa mga mabababang kita at bumuo ng mga panukalang batas para punan ang mga kakulangan sa kasalukuyang proteksyon at kaalaman sa cybersecurity.
Sa parte nito, nakikipagcollaborate ang 106 TRABAHO Partylist kay celebrity host Melai Cantiveros-Francisco sa paglalabas ng educational content sa social media, gaya ng reel na “Trabaho o Mabaho” na patuloy na nagbibigay babala sa milyu-milyong netizens laban sa talamak na online scam at digital fraud.