15 March 2025
Calbayog City
Overseas

10 patay, 5 sugatan sa paglubog ng ferry boat sa Egypt

SAMPU ang nasawi sa paglubog ng isang ferry sa Nile River sa Aswan City sa Egypt. 

Ayon sa mga otoridad, lulan ng ferry ang 15 katao ng mangyari ang insidente. 

Ang 5 nakaligtas ay agad nadala sa pagamutan. 

Naglaan naman ang Ministry of Manpower ng Egypt ng 200,000 Egyptian Pounds bilang tulong sa pamilya ng mga nasawi. 

Habang 20,000 Egyptian Pounds naman sa mga na-ospital.

Pawang manggagawa kasi ang sakay ng ferry na patungo sana sa isang local construction firm. 

Iniimbestigahan pa kung ano ang dahilan ng paglubog ng ferry

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *