KINUMPIRMA ng South Cotabato Integrated Provincial Health Office (IPHO) na mayroong sampung kumpirmadong kaso ng monkeypox o Mpox sa lalawigan.
Inanunsyo ito ni Integrated Provincial Health Officer Dr. Conrado Braña sa isinagawang Press Conference Huwebes (May 22) ng umaga.
ALSO READ:
Ayon as IPHO, ang mga kaso ng Mpox ay naitala sa mga sumusunod na lugar:
1- Banga
1- Koronadal City
1- Tantangan
4 – T’Boli
2 – Surallah
1- Lake Sebu
Sa ngayon sinabi ni Braña na isinasailalim sa mahigpit na monitoring ang mga apektadong indbidwal upang maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.
Lahat ng kanilang mga nakasalamuha o “closed contacts” ay natukoy na din at minomonitor na ang kanilang kondisyon.