2 August 2025
Calbayog City
National

1 porsyentong tapyas sa US Tariff, malaking achievement pa rin, ayon kay Pangulong Marcos

ITINUTURING pa ring tagumpay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang porsyentong kabawasan sa taripa na ipinataw ng US sa mga produkto ng Pilipinas.

Ang dating 17% na Tariff Rate ay itinaas ni US President Donald Trump sa 20%, bago bumisita sa White House si Pangulong Marcos.

Sa kanyang pagbisita sa Washington D.C., nakipagpulong si Marcos kay Trump, at sa iba pang US Officials, kung saan tinalakay ang mga usapin na may kinalaman sa Defense at Trade.

Binigyang diin ng pangulo na bagaman tila maliit ang isang porsyento, kapag nilagay aniya ito sa Real Terms ay malaki pa rin itong achievement.

Iniugnay din ito ng punong ehekutibo sa espesyal na relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).