ISA ang nasawi habang limampu’t dalawa ang sugatan matapos bumagsak ang ikalawang palapag ng isang simbahan sa San Jose Del Monte City, Bulacan sa ksagsagan ng misa para sa Ash Wednesday.
Ayon sa San Jose Del Monte City government, nangyari ang insidente pasado alas 7:00 ng umaga sa kalagitnaan ng Ash Wednesday Mass sa St. Peter the Apostle Parish Church, Barangay Tungkong Mangga.
Gumuho ang bahagi ng ikalawang palapag ng naturang simbahan dahilan para mabagsakan ang mga nagsisimba.
Ayon sa mga saksi, sa kalagitnaan ng pagpapahid ng Abo, nang bigla na lamang nagsigawan ang mga tao dahil gumuho ang bahagi ng 2nd floor.
Nagtungo din sa pinangyarihan ng insidente si Mayor Arthur B. Robes upang i-assess ang sitwasyon.