31 May 2025
Calbayog City
Metro

1 patay, 2 sugatan sa sunog sa Barangay North Signal sa Taguig City

ISA ang nasawi habang dalawang iba pa ang nasugatan sa sunog na tumama sa residential area, sa Taguig City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), labing isa sa kanilang personnel at dalawang ambulansya ang rumesponde sa sunog.

Isang dalagita ang binawian ng buhay sa insidente habang isang trenta’y dos anyos at isang singkwenta anyos na mga babae ang mga nasugatan.

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).