UMAASA si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa pagpapalawak ng Zero Balance Billing Program sa provincial hospitals sa pamamagitan ng 1-billion peso support fund para sa mga ospital na pinangangasiwaan ng Local Government Units (LGUs).
Dati ay limitado lamang sa DOH-run hospitals ang naturang programa subalit ngayon ay kabilang na ang mas maraming provincial hospitals, kasabay ng paglalaan ng kagawaran ng pondo upang masimulan ang implementasyon ng zero balance billing sa mga piling malalaking ospital na pinatatakbo ng LGU.
DOH, binuksan ang kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas
BFAR, nagsasagawa ng assessment kaugnay ng iligal na pangingisda sa Eastern Visayas
Halos 1,300 na residente sa Calbiga, Samar, may direktang access na sa malinis at ligtas na inuming tubig
6 na miyembro ng NPA, sumuko sa mga awtoridad sa Eastern Visayas
Sa opening ng kauna-unahang mall-based wellness clinic sa Eastern Visayas, sinabi ni Herbosa na pinag-aaralan nila kung paano masusuportahan ang LGU hospitals dahil kung tutuusin ay maliit lamang ang isang bilyong piso kumpara sa ginagastos sa DOH hospitals.
Noong nakaraang taon ay iniulat ng kalihim na mahigit 1.3 milyong pasyente sa DOH hospitals ang nakinabang sa nasabing programa at hindi nagbayad ng hospital bills.
