Nakapagtala ng 1.9 percent na inflation rate ang Philippine Statistics Authority (PSA) noong Setyembre 2024.
Ayon sa PSA, ito na ang pinakamababa mula noong Mayo 2020.
Mas mababa ito kumpara sa 3.3% noong Agosto 2024 at 6.1% noong Setyembre 2023.
Ayon kay Usec. Claire Dennnis Mapa, pangunahing nag-ambag sa mas mabagal na inflation noong nakaraang buwan ay ang pagbaba ng presyo ng food and non alcoholic beverages.
Partikular na nagkaroon ng pagbaba ay ang presyo ng cereals at cereal products at mga gulay.
Bumaba din ang presyo ng gasolina at diesel.
Gayundin ang presyo ng LPG at kuryente.