INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang loan na hanggang 1.7 billion dollars para sa Laguna Lakeshore Road Network (LLRN) Project.
Layunin ng proyekto na paiksiin ang travel time sa pagitan ng Taguig City at Calamba, Laguna ng 25 percent.
ALSO READ:
Economic team, magsasagawa ng special meeting kaugnay ng suspensyon sa fuel excise tax sa susunod na linggo
Pangulong Marcos, kumpiyansang maaabot ang 6% GDP growth sa 2028 sa kabila ng epekto ng giyera sa Middle East
BIR, nalagpasan ang target collection sa unang 2 buwan ng taon
Halaga ng piso kontra dolyar, muling sumadsad
Inihayag ng multilateral lender na inaprubahan nila ang loan para suportahan ang konstruksyon ng “Climate-Resilient” na 3.75-Kilometer Expressway sa kahabaan ng pinakamalaking lawa sa Pilipinas.
Sinabi ni ADB Country Director for the Philippines Pavit Ramachandran, na ang naturang investment ay patunay ng kanilang katapatan sa pagtulong sa pag-transform ng transport infrastructure ng bansa, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng climate- and disaster-resilient and sustainable development.
