BUMAGAL pa sa 1.3 percent ang inflation rate sa bansa noong nagdaang buwan ng Mayo.
Ang naitalang inflation rate ay mas mababa sa 1.4 percent na naitala noong Abril ayon sa Philippine Statistics Authority (psa).
Hingit din itong mas mababa kumpara sa 3.9 inflation rate noong May 2024.
Sinabi ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, kabilang sa nag-ambag sa pagbagal ng inflation ay ang mabagal na pagtaas ng presyo o singil sa housing, water, electricity, gas at iba pang fuel.
Bumaba din ang presyo ng food and non-alcoholic beverages kabilang ang presyo ng karne, isda at iba pang seafood, gatas at iba pang dairy products at itlog.