NANGAKO si Senate President Francis Chiz Escudero na maipapasa ng Senado on-time ang proposed 2025 National Budget.
Kasunod ito ng approval ng Kamara sa P6.352 trillion 2025 General Appropriations Bill o GAB.
ALSO READ:
DND chief, nagpaliwanag kung bakit hindi kinausap ang Chinese Counterpart sa Defense Ministers’ Meeting sa ASEAN
ICC, Remedial Measure lang; pagbuo ng Independent People’s Commission, kailangan nang madaliin
Dating Cong. Zaldy Co, wala pang sagot sa reklamong nag-uugnay sa kanya sa Flood Control Scandal
DOJ, sinubpoena ang mga respondents sa 5 Ghost Flood Control Projects sa Bulacan
Ipinaliwanag ni Escudero na sa ngayon ay hindi pa sila makapagbigay ng timeline sa pagtalakay nila sa panukalang budget hangga’t hindi pa nila natatangggap ang GAB mula sa Kamara.
Binigyang-diin naman ng senate leader na mula Agosto naman ay nagsasagawa na ang Senate Committee on Finance ng mga pagdinig sa panukalang budget ng iba’t ibang ahensya at opisina ng pamahalaan.
Inaasahan ding magpapatuloy ang mga committee hearing sa proposed budget kahit ngayong naka-session break ang Senado.
