14 March 2025
Calbayog City
Tech

Google mag dedeactivate ng inactive accounts

google

Inihayag ni Ruth Kricheli, Google’s Vice President of Product Management na simula sa December 1, 2023 lahat ng hindi aktibong Google accounts ay tatanggalin. Ito ay yung mga Google accounts na hindi nagamit o naka pag sign in sa loob ng dalawang taon.

Kabilang sa tatanggalin ang nilalaman sa loob ng Google Workspace (Gmail, Docs, Drive, Meet, Calendar) at Google Photos. 

Subalit, ang mga Google accounts na may kinalaman o pinamamahalaan ng paaralan o negosyo ay hindi kasama sa mga tatangalin. Hindi din aalisin ang mga Google accounts na nag upload ng mga video sa Youtube o may aktibong mga subscription sa mga app o serbisyo ng balita.

kuya pao

Author
A former Supervisor of BPO/Call center at Sykes Asia Inc. who has an interest in the new technologies. During his free time he loves to cook.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *