2 July 2025
Calbayog City
National

Bicam report sa proposed 2025 budget, aprubado na!

INAPRUBAHAN na ng bicameral conference panel ng Kamara at Senado ang kanilang committee report kaugnay sa panukalang 6.325-trillion peso 2025 national budget.

Ito ay makaraan ang ilang minutong pagpapasalamat ng mga lider ng dalawang kapulungan sa kanilang mga miyembro kaugnay sa mabusisi nilang pagtalakay sa panukalang budget.

Ayon kay Senador Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Finance, binigyang prayoridad nila sa inaprubahang budget ang mga programa para sa kapakanan ng taumbayan, pagpapalakas ng justice at infrastructure sector.

Sinabi ni Poe na ang bawat linya sa panukalang budget ay resulta ng pakikipaglaban para sa taumbayan at pangangailangan ng bawat isa, kabilang na ang kalsadang ligtas, eskwelahan na maayos at mas magandang serbisyong pangkalusugan.

Sinabi naman ni House Appropriations Committee Chairman Elizaldy Co na ang kanilang pagsisikap ay malaking tulong para sa pagbuo ng bagong yugto ng pagbabago para sa bansa. 

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.