15 March 2025
Calbayog City
Province

Misis, pinatay sa taga ng nagselos na mister sa Iloilo

misis

Dahil sa selos at hinalang may iba nang mahal ang kanyang asawa, tinaga at napatay ng isang mister ang kanyang misis, sa Mandurriao District, sa Iloilo City.

Kinilala ang biktima na si Emelyn Lasa, limampu’t anim na taong gulang.

Arestado naman ang mister na umamin sa krimen, na si Domingo, limampu’t limang taong gulang.

Ayon sa mga otoridad, bago nangyari ang krimen ay nagtalo ang mag-asawa hanggang sa nakita na lamang ang katawan ng ginang sa bakanteng lote na may taga sa leeg at mga kamay, sa Barangay Bolilao.

Tinangka pa umano ni Domingo na takasan ang ginawang pagpatay sa asawa subalit nasakote ito ng mga pulis.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *