15 March 2025
Calbayog City
Overseas

6 patay, 11 sugatan sa pagsabog ng truck sa Mongolia

ANIM katao ang nasawi, kabilang ang tatlong bumbero habang labing isa ang nasugatan makaraang sumabog ang isang truck na may kargang animnapung tonelada ng liquefied natural gas sa Mongolia. 

Nangyari ang insidente sa Ulaanbaatar nang sumalpok ang gas truck sa isang sasakyan, na naging dahilan ng pagsabog nito. 

Mahigit animnaraang bombero ang nagtulong-tulong para ma-apula ang sunog, subalit tatlo mula sa 63rd Fire Fighting and Rescue Unit ng National Fire Service ang nasawi. 

Nagdulot din ng pinsala ang truck explosion sa kalapit na establisyimento bunsod ng malakas na impact.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *