HINDI pa napagdedesisyonan kung magpapalit ng abogado si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sagot ito ni Vice President Sara Duterte tungkol sa mga espekulasyon na papalitan ang mga abogado ng dating pangulo.
ALSO READ:
Ayon kay VP Sara tatanungin muna niya ang ama tungkol dito.
Magugunitang sa pasya ng ICC Pre-Trial Chamber 1 “fit” si dating Pangulong Duterte para humarap sa pre-trial proceedings sa kinakaharap niyang mga kasong crimes against humanity.
Itinakda ng ICC ang confirmation of charges sa February 23. Ayon naman sa abogado ng dating pangulo na si Atty. Nicholas Kaufman, maghahain sila ng apela sa desisyon ng ICC.




