IPINANGAKO ng bagong commander ng 802nd Infantry Brigade ng Philippine Army na palalakasin pa ang kampanya laban sa insurhernsiya sa isla ng Leyte at ilang bahagi ng Samar Provinces.
Sa Turnover Rites, hinimok ni 802nd IB Commander Col. Rico Amaro ang pamahalaan at ang pribadong sektor na magkaisa sa paglaban sa mga rebelde mula sa mga Town Centers hanggang sa pinaka-liblib at Disadvantaged Areas.
50 million pesos na DOST hub at training center, itatayo sa Leyte
DOLE, naglabas ng 19 million pesos na settlement relief sa mahigit 1,000 manggagawa sa Eastern Visayas
Mahigit 1,000 rice farmers sa Northern Samar, tumanggap ng ayuda sa gitna ng MABABANG farmgate prices
DOST, naglaan ng 600 million pesos para sa pagsusulong ng smart farming technologies
Binigyang diin ni Amaro na lahat ng hakbang sa ilalim ng kanyang liderato ay isasagawa nang isinasa-alang-alang ang kapakanan at moral ng mga sundalo.
Tiniyak din ng opisyal ang kanyang Commitment sa Ongoing Government Programs na ang layunin ay himukin ang mga rebelde sumuko at muling mapabilang sa lipunan.
Pinalitan ni Amaro si Brig. Gen. Noel Vestuir na bumaba sa pwesto dahil umabot na sa Mandatory Retirement age na 57.
Saklaw ng Area of Responsibility ng 802nd IB ang mga lalawigan ng Leyte, Biliran, at Southern Parts ng Samar at Eastern Samar.
