BATAY sa datos ng Effective Flood Control Operation System o EFCOS ng Metropolitan Manila Development Authority, umabot sa 956 millimeter na pag-ulan ang naitala noong buwan lamang ng Hulyo 2025.
Ayon sa MMDA, ito ay 40 percent na ng taunang average na pag-ulan, na nasa 2400 millimeter.
Ang MMDA-EFCOS ay nakapwesto sa Science Garden Station ng PAGASA sa Quezon City.
Ibig sabihin ayon sa MMDA sa loob lang ng isang buwan, malaking porsyento na ng inaasahang pag-ulan sa buong taon ang naitala.
Sa loob ng isang linggo o mula Hulyo 19 hanggang 25, 2025 ang naitalang kabuuang pag-ulan ay 665.50 millimeter na katumbas ng 28 percent ng taunang Average na pag-ulan.
Paalala ng MMDA sa publiko maging maingat at alerto ngayong patuloy pa ring umiiral ang panahon ng tag-ulan sa bansa.




