22 November 2024
Calbayog City
Metro

Tone-toneladang hinihinalang smuggled agriculture products, kinumpiska sa Navotas

KINUMPISKA ng Bureau of Customs (BOC) ang milyon-milyon pisong halaga ng pinaghihinalaang smuggled agricultural products mula sa dalawang cold storage units, sa Navotas City.

Ayon sa BOC, natagpuan sa loob ng storage units ang napakaraming sibuyas, carrots, kamatis, enoki mushrooms, Chinese noodles, at Chinese kimchi.

Ang mga naturang produkto ay wala umanong binayarang kaukulang duties at taxes sa gobyerno.

Isa sa storage units ay naglalaman ng 132.75 tons ng puting sibuyas na nagkakahalaga ng 21.2 million pesos habang ang isa pa ay may 89.89 tons ng imported carrots na tinaya ang halaga sa 13.48 million pesos.

Nasamsam din ang 360 kilos ng kamatis, sampung kilo ng enoki mushrooms, at 92.25 tons ng imported white onions mula sa 40-foot container van.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.