PUMANAW na ang American actress na si Michelle Trachtenberg na nakilala sa kanyang mga pagganap sa series, gaya ng “Buffy the Vampire Slayer” at “Gossip Girl” sa edad na 39.
Ayon sa US media outlet, rumesponde ang mga pulis sa isang emergency call at natagpuan nila ang aktres sa kanyang Manhattan apartment na unconscious at unresponsive.
ALSO READ:
BB. Pilipinas Universe 1989 Sara Jane Paez Santiago, pumanaw sa edad na 58
Toni Gonzaga, itinanggi na sila ni Paul Soriano ang “power couple” na nasa blind item
BTS, dadalhin ang upcoming World Tour sa Pilipinas sa March 2027
TJ Monterde, kinilala bilang Artist of the Year at KDR Icon sa 11th Wish Music Awards
Idineklara ng emergency medical workers na pumanaw si Michelle subalit walang ibinigay na dahilan.
Wala ring tinukoy ang mga awtoridad na may foul play sa insidente.
Ayon sa anonymous sources, sumailalim ang aktres sa liver transplant, kamakailan, at posibleng nakaranas ito ng komplikasyon.
